My Maid is My Missing Wife
“Hindi kita pwedeng pagurin. Kaya, mas maayos na sabay tayong matulog ng maaga. Isa pa, gusto kong magpahinga ka nang maayos. Alam ko rin naman na, madali kang makakatulog. Dahil, nakikita ko ngayon na medyo, pagod ka na. Kung gusto mo, umuwi na tayo ngayon ng maaga. Sabihin mo lang sa akin.”
Tsk? Umuwi nang maaga? Hindi pwede, kailangan ko pang kilalanin nang mabuti ang babaeng ito.
“Hmm, Dustine, uuwi kayo nang maaga? Hindi naman yata pwede ‘yan. Dahil, hindi pa nga tayo umiinom hindi ba? Mag-enjoy muna tayo. Total, ngayon na lang naman ang muling pagkikita natin. Isa pa, especial ang gabing ito. Kaya, uminom muna tayo.” Hindi na ako makatiis kaya nagawa ko na ang sumingit.
Hot Chapters