Death Whisperer
Lumiwanag iyon at nagawa niyang mabasa ang mga letrang nakasulat gamit ang gintong tinta.
"Ggrreeeg Macaasaeet," pagbasa niya sa unang pagkakataon, tila nahihirapan. Para siyang batang musmos na nagsisimula pa lang sa pagbabasa. "Greg Macasaet," pagbasa niyang muli. Namangha siya sa sariling kakayahan dahil nagawa niyang basahin ang nakasulat. Anu-ano pa kaya ang mga bagay na kaya niyang gawin, pero nakalimutan niya na dahil sa pagbura ng mga alaala niya?
"Tama. Greg Macasaet nga. Sa kasamaang palad, mamamaalam na si Greg ngayong gabi," sabi ni Andrei na lubusang ikinagulat ni Jehanne.
Hot Chapters