Into The Other Side: The Last Vessel
Ang sabi ni Lola Kristel ay namatay ang aking Ina sa pag poprotekta sa aklat na ito, kaya pala may mantsa ng dugo ang ibang pahina at ang likurang bahagi ng aklat ay may marka ng pagkasunog.
Ang bawat pahina ay may mga diagram, may mga guhit na halamang dahon, punyal, mga ibon, at iba't-ibang uri ng hayop. Alam kong mga kasangkapan iyon ng mga orasyon ngunit hindi ko alam paano basahin dahil sa lengwaheng ginamit.
Sinara ko ang aklat at hinilot ang sintido. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa pagbabasa habang nasa biyahe kaya hindi ko namalayang nakatulog pala ako.
인기 회차