Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MGA TINIK SA KAMA

MGA TINIK SA KAMA

Walang perpektong pamilya, alam ko iyon. Away-bati. Tampuhan. Pagtatalo. Normal na tagpo ang mga iyon sa tahanan ng sinumang mag-asawa. Wala kaming ipinagkaiba ni Gavin pero kampante ako sa pagmamahal na ibinibigay ng asawa ko. Naniniwala akong sa kabila ng kawalan namin ng anak ay sa akin pa rin siya laging umuuwi. Ako pa rin ang nagmamay-ari ng mga salitang hangad na marinig ng karamihan sa mga babaeng nangangarap ng matinong kabiyak. Pero ang lahat ng bagay ay kumukupas nga ba pati ang pagmamahal? Sa araw ng wedding anniversary naming ay ginimbal ako ng kataksilan ng asawa ko. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako ang ginulat niya sa annulment paper na nilapag niya para pirmahan ko. Bumagsak ang aking mundo at sa sobrang desperasyon ay naisip kong magpakamatay. Pero imbis na magawa ang gusto ay natagpuan ko ang sariling pinipigilan ang lalaking nakasampa rin sa railing ng tulay at gusto ring tumalon tulad ko. Sa pagtatagpo naming dalawa, umusbong ang damdaming kinatatakutan ko na kung ang bilyonaryong kapitan ay handa akong samahang mahiga kahit sa mga tinik sa kama?
Romance
108.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Mapanirang Pag-ibig

Mapanirang Pag-ibig

Yung bata na iniligtas ko noong maliliit pa kami ay lumaking isang possessive at obsessive na CEO. Sampung taon niya akong kinontrol, gamit ang sakit ng lola ko bilang pang-blackmail para pilitin akong magpakasal sa kanya. Sinubukan niyang gawin ang lahat para makuha ang loob ko—kahit anong paraan, ginawa niya,pero hindi ko siya kailanman minahal. Dahil sa sobrang galit, nakahanap siya ng babaeng halos kamukha ko para pumalit sa akin. Ipinagmalaki nila ang relasyon nila sa harap ng lahat, at may mga bulung-bulungan na natagpuan na raw ng CEO ang tunay niyang pag-ibig. Pero isang araw, dumating ang babaeng iyon sa villa kasama ang mga alipores niya, gamit ang atensyon at pagmamahal ng CEO bilang lakas ng loob. Isa-isa niyang binali ang mga daliri ko, sinugatan ang mukha ko gamit ang utility knife, at inalis ang damit ko para ipahiya ako. “Kahit nagparetoke ka pa para magmukhang ako, palalagpasin ko na ‘yun. Pero natuto ka pang magpinta nang kagaya ko? Grabe kang mag-aral! Tignan natin kung paano ka makakaakit ng mga lalaki ngayon!” Habang duguan na ako at halos mawalan ng malay, sa wakas dumating ‘yung obsessive na CEO. Hinila ako ng babae sa harapan niya at mayabang na nagsumbong, “Honey, itong babaeng ‘to ay nagtatago rito sa villa, tinatangkang akitin ka. Siniguro kong hindi siya magtatagumpay!”
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Pag-ibig na Naiwan

Pag-ibig na Naiwan

Mahal ni Helena Pearl Larson si Moises Floyd Ford mula pa pagkabata. Kaya nang ipilit ng kanyang ama ang kanilang kasal, agad siyang pumayag—kahit alam niyang hindi siya gusto ni Moises. Dalawang taon niyang isinakripisyo ang sarili, ipinaglaban ang pagmamahal, at umasa na balang araw ay mamahalin din siya nito. Ngunit isang araw, winasak ni Moises ang lahat. "I want a divorce, Helena Pearl. I don't want you in my life." Ilang taon ang lumipas, bumangon si Helena Pearl bilang isang matagumpay na siruhano—malaya, malakas, at handa nang kalimutan ang lahat ng sakit. Hanggang sa muli siyang harapin ng taong minsan ay nagdurog ng kanyang puso. "Doctor Helena Pearl… I need your help." Malamig ang kanyang sagot. "Ano ang problema mo, Mister Floyd Ford?" At sa mga mata nitong puno ng sakit, bumulong siya: "My heart is broken… and only you can heal it." Ngayon, haharapin ni Helena Pearl ang pinakamahirap na operasyon ng kanyang buhay—ang desisyon kung muli ba niyang bubuksan ang puso niya para sa lalaking minsan nang tumanggi sa kanya?
Romance
408 viewsOngoing
Read
Add to library
Nakakahumaling na Pag-ibig

Nakakahumaling na Pag-ibig

Nahatulang ng tatlong taon sa kulungan si Ling Yiran dahil sa car accident na pumatay sa kanyang fiancee na si Yi Jinli, ang pinakamayaman sa Shen City.Nang makalaya sa kulungan, sa hindi inaasahang mga pangyayari napukaw niya ang atensyon ni Yi Jinli. Lumuhod siya sa sahig at nagmakaawa, “Yi Jinli, parang awa mo na, pakawalan mo na ako!” Ngunit ngumiti lang si Yi Jinly at sinabi, “Sister, hindi kita papakawalan kahit kailan.”Bali-balita na tila walang pakialam si Yi Jinli sa kahit sinuman, pero sa di malamang dahilan, ginagawa niya ang lahat para lang suyuin ang isang sanitation worker girl na nakulong sa loob ng tatlong taon. Ngunit dahil sa aksidente na nangyari noon, naubos ang pagmamahal niya para kay Yi Jinli at nagdesisyon na lisanin siya.Makalipas ang maraming taon, lumuhod si Yi Jinli at nagmakaawa, “Yiran, bumalik ka lang saking tabi, gagawin ko ang lahat para sayo.” Ngunit tinigan lang siya ni Yiran at sinabi, “Edi magpakamatay ka.”
Romance
9.5259.5K viewsCompleted
Read
Add to library
IKAW SA AKING MGA KAMAY

IKAW SA AKING MGA KAMAY

CATALEYA DOMINGO, nakasumpong ng pagpapanibagong buhay sa mala-paraisong bayan ng El Nido sa Palawan. May stable job siya bilang isang secretary at isang lihim na online romance writer. Kinalimutan na niya ang mga hindi magandang nangyari sa buhay niya noong nasa Manila pa siya. Kung may isang bagay siyang hinihiling sa kasalukuyan, iyon ay magkaroon ng mapagmahal na asawa at sariling pamilya. LUKAS ADRIATICO, isang mayamang binata na galing sa prominenteng pamilya. May nakatanim na galit sa puso niya dahil nahuli niya ang asawa na pinagtataksilan siya bago namatay sa isang car accident. Naging woman hater siya at ang tingin niya sa mga kalahi ni Eva ay isang laruan lang. Takot siyang magmahal muli dahil baka lolokohin na naman siya. Tanging pangarap niya ang mapamahalaan ang kanilang malaking kompanya. Walang kamalay-malay si Lukas na siya ang ginawang character peg ni Cataleya sa sinusulat nitong romance novel. Parang naglalaro ang tadhana, na sa pagkamatay ng boss niya, ang binata naman ang magiging boss ng dalagang secretary. Sa kabila ng pagiging hostile na boss ni Lukas kay Cataleya, magkakalapit pa rin ang mga loob nila. Ngunit may isang malaking kasinungalingan sa nakaraan ang nag-uugnay pala sa kanilang dalawa.
Romance
1012.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Mapanakit Mong Pag-ibig

Mapanakit Mong Pag-ibig

RATED SPG/DETAILED BED SCENES/BAWAL SA BATA! "Sa akin ka lang, Roxanne... ako ang tunay na nagmamay ari sa iyo. Akin lang ang puso, kaluluwa pati na ang katawan mo," may diing wika ni Rain Tyler Montenegro.
Romance
2.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Pag-Ibig na Napadaan

Pag-Ibig na Napadaan

“Sigurado ka na gusto mo palitan ang pangalan mo, Ms. Anderson? Kakailanganin mo palitan ang degree certificate mo, documentation, at passport sa oras na gawin mo ito.” Tumango si Noelle Anderson. “Sigurado ako.” Sinubukan siyang kumbinsihin ng empleyado. “Hassle para sa mga matatanda na palitan ang pangalan nila, at maganda naman ang kasalukuyan mo na pangalan. Sigurado ka ba na ayaw mo itong pag-isipan?” “Hindi, napag-isipan ko na ito.” Pinirmahan niya ang form. “Pasensiya na sa abala.” “Sige, kung ganoon. Ang pangalan na ipapalit mo… ay Aria Byrd, tama?” “Oo.” Aria Byrd–ibig sabihin paglipad sa kalayaan.
Short Story · Romance
1.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Hayaang Lumipas ang mga Taon

Hayaang Lumipas ang mga Taon

“Chloe, noong bata ka pa, nag-arrange ng kasal ang pamilya natin para sayo. Ngayong nakakabawi ka na mula sa sakit mo, ayos lang ba sayo na bumalik sa Kingston City at magpakasal?" “Kung ayaw mo pa rin, kakausapin ko ang tatay mo at ikakansela namin ang engagement." Sa madilim na silid, tanging katahimikan lang ang naririnig ni Chloe. Habang iniisip ng tao sa kabilang linya na hindi niya siya makukumbinsi, bigla siyang nagsalita. “Ayos lang sa’kin na bumalik at magpakasal." Ang nanay niya, si Felicia, ay napahinto, malinaw na nagulat siya. “A… Ayos lang sayo?” Kalmado ang tono ni Chloe. "Oo, pero kailangan ko pa ng kainting panahon para asikasuhin ang lahat sa Marina City. Uuwi ako sa loob ng dalawang linggo. Mom, pakiusap simulan niyo na ang paghahanda para sa kasal.” Pagkatapos ng ilan pang salita, ibinaba ni Chloe ang tawag.
Short Story · Romance
1.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Paghihiganti ng Dating Asawa ng Isang Bilyonaryo

Iniwan ni Celine, isang kilalang modelo, ang kanyang matagumpay na karera sa mundo ng pagmomodelo alang-alang sa kahilingan ni Nicolas at ng kanyang biyenang babae. Ngunit ano ang kanyang napala? Pagkatapos ng limang taon ng pagsasama bilang mag-asawa, ipinakilala ni Nicolas ang ibang babae bilang kanyang kalaguyo—dahil lamang hindi mabigyan ni Celine ng anak si Nicolas, at hindi rin siya makapagbigay ng apo sa kanyang mga biyenan. Lingid sa kaalaman ni Nicolas at ng kanyang pamilya, nagdadalan-tao na pala si Celine. Balak niyang ibalita ang magandang balita sa gabi ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang mag-asawa. Subalit, matapos ang maraming pagtitiis at pananahimik, dumating din ang oras na sumuko si Celine. Pinili niyang tuluyang lumayo sa buhay ni Nicolas. Inilihim niya ang kanyang pagbubuntis, at sa halip ay nangakong ipapalasap sa asawa at biyenan ang sakit ng pagkakanulo sa kanya. Ano kaya ang susunod na mangyayari?
Romance
19.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Hinahanap Ng Puso

Hinahanap Ng Puso

Plinano na ni Quincy na ibigay ang kaniyang virginity sa kaniyang fiancée na si Fern dahil malapit na rin silang ikasal. Ngunit isang hindi inaasahan ang nangyari matapos ang bridal shower ng gabing iyon. Imbes na si Fern ang nakatalik ni Quincy, ang kakambal nitong si Hiro ang nakasiping niya ng gabing iyon! At hindi inaasahang magbubunga ang isang gabing pagkakamali nila ng lalaking matagal na niyang kinalimutan noon.
Romance
883 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
123456
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status