Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire
“Client is here in ten.”
“Perfect,” ani Cesca. “Thanks, Rica.”
“Anytime,” tugon nito, pero may kung anong pilyong liwanag sa mata na hindi napansin ni Cesca dahil nakatutok siya sa checklist sa isip.
---
Malinis at malamig ang conference room—mahahabang blinds, isang pader na puro glass, at ang skyline ng BGC na parang staged backdrop. Nakaayos na ang water carafes, kape, at trays ng pastry, baka courtesy ni Kairi sa admin, na laging may pa-ambience kapag big client.