The Chosen Wife
"Opo, Mama. Kung sumama po ulit ang pakiramdam mo, tawagin mo lang po ako."
"Tatawag na lang ako. Huwag ka nang mag-alala."
"Sige po, Mama. Maiwan na kita upang makapagpahinga ka na."
"Salamat, anak ko."
Nang makaalis ang anak ay napabuntong-hininga siya. Inaalala pa rin niya ang anak na si Deborah. Malakas ang kutob niyang may nakaharap ito na malaking pagsubok.
"Protektahan ka sana ng diyos na sinasamba mo, panganay ko. Hindi biro ang manirahan sa lupain na napaliligiran ng mga Adono at Adona." Pakiusap niya habang iniisip si Deborah.
인기 회차