ZUHAIR EROS (SMITH BROTHERS #3)
"Sila ang dahilan ng pagkawala ng mga bata at kababaihan. Sila ang gumagawa ng batas, pero sila rin ang unang hindi sumusunod. Mafia kami, oo, pero may paninindigan kami. Pinoprotektahan namin ang Familia namin. Iba ‘yung ginagawa namin sa mga kagaya nila. Hindi kami traydor. Hindi kami buwaya."
Napasinghap ako. Hindi ko alam kung paano ko ire-react sa sinabi niya. Pero totoo ang bawat salitang binitawan niya.
"Walang human rights kung ang kalaban mo ay malaking tae sa mundo," dagdag niya, puno ng hinanakit ang boses.
"Ba’t ka galit? Di naman kita inaaway," mahinahon kong sabi.
Napatingin siya sa akin, halatang iritado pa rin. "Ikaw kasi! Kung makareact ka na naging army ako, parang hindi ka
Hot Chapters