One Night Lie: Marriage Trap with the Merciless Billionaire
“Ang kinamumuhian niya, yung pakiramdam na nawawala ang control niya. At ikaw, kahit hindi mo sinasadya, ginugulo mo ang mundong akala niya kontrolado niya. Kaya ka niya binababa. Para mapaniwala niya ang sarili niya na wala kang kapangyarihan sa kanya.”
Mahinang bulong ni Eloise, “At gumagana naman…”
Umiling si Ivy.
“Gagana lang ‘yan hanggang sa araw na marealize mo na ang totoong love, hindi nanghihiya, hindi nanliliit, hindi nananakot, at hindi nananakit. Darating ang araw na maiintindihan mo na irerespeto ka lang niya kapag natakot siyang mawala ka, hindi dahil sa bata, sa posisyon, o sa mana… kundi dahil buo kang babae. Because you know your worth.”
Bab Populer