Serving the Billionaire
Tumambad sa kaniya ang milyun-milyong makukulay na ilaw mula sa mga naglalakihang skyscrapers sa malayo, mga billboard na sumasayaw sa dilim, at ang tila walang katapusang agos ng mga sasakyan na parang mga pulang langgam sa kalsada dahil sa kanilang mga headlights.
Napakaganda ng tanawin. Sobrang buhay ng siyudad sa gabi. Pero sa gitna ng karangyaan at liwanag ng mga city lights na iyon, pakiramdam ni Chrisha ay lalo lang siyang naging maliit, mahina, at nag-iisa. Ang ganda ng paligid pero ang dilim ng kaniyang nararamdaman sa loob ng kaniyang puso. Ang daming tao sa labas na nagmamadali, nagtatawanan, at may mga kasama, pero wala man lang siyang matawagan para sabihing ligtas siyang nakara
Chapitres populaires