Mahirap Balikan ang Kahapon
"Maghiwalay na tayo, Dwayne.." nakikiusap ang aking tono sa aking asawa.
Pagud na pagod ang puso, isipan at katawan ko sa buhay pag aasawang meron ako.
Inaalila lang ako ng pamilya niya, at siya naman ay binabalewala lang ako..
Ayoko na talaga!
"Sinong may sabi sayong maghihiwalay tayo? LJ, tandaan mo, ikaw ang humiling nito sa akin, ibinibigay ko lang ang gusto mo. Ayaw mo na? magdusa ka habang buhay!" iyon lang ang sinabi ni Dwayne, bago niya ako tuluyang iwanan sa bahay.