The Zillionaire's Abandoned Wife
sabay tawa ni Xyza habang sabay silang nahlakad na magkalingkis ang braso, parang mag-bestfriend na matagal nang magkasama.
Pagdating sa dining, nakalatag na ang mga paborito nilang merienda, pancit palabok, puto, chocolate, at calamansi juice.
Inasikaso sila ni Tita Antonia na punong abala sa pagtutok kung sapat ba ang pagkain sa mesa.
"Wow! It's so colorful and it looks delicious!" sambit ni Xyza.
"Para sa inyo talaga ‘yan. Para kay little princess at kay... little sunshine!" bati ng matanda sabay kurot sa pisngi ng dalawa.