The Billionaire’s Dangerous Desire
Biglang tumahimik naman ang buong paligid, at parang nagulat sa biglaan kong paggising, saka pagtatanong sa kanila tungkol sa mangga.
Hindi ko naman mapigilan, eh. Bigla ko ba namang napanaginipan ‘yon, paanong hindi ako mapapatanong kung may mangga ba? Eh, nangangasim pa ang bibig ko, at hindi ako mapakali.
“What kind of mango do you like?” masuyong tanong ni Helios nang makabawi siya sa pagkagulat.
Mukhang nabasa nitong gusto kong kainin ‘yon, dahil hindi ko man lang nasagot, at napatapos ang kaniyang sasabihin.
ตอนยอดนิยม