Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Art of Destiny

Art of Destiny

Juanmarcuz Padilla
Dahil sa labis na pagkagahaman sa yaman, ang lihim pala ng pagpapakasal ni Rose Mary Gaile De La Luna Villadencio kay Kent Jino Zeke Domingo ay isang plano ng paghihiganti. Walang alam ang binata na matagal na itong pinagplanuhan ng ama ni Rose Mary na si Jonathan Villadencio at maging ang lihim na relasyon nina Rose Mary at Drax Steve Del Valle. Ang kasal ang magiging katuparan ng masamang tangka ng pamilya kay Jino at sa mga taong mahal niya. Hanggang sa nagising na lamang si Jino sa isang Isla sa Palawan na taglay ang pangalan ni Jino Favila, ang yumaong nobyo ni Naikkah Mae Miraflores. Kung sining ng tadhana ang naganap para magkita sina Jino at Naikkah, sapat na ba ang pagkikita nila para sabihin na sila talaga ang para sa isa't isa? Paano ang pagiging legal na asawa ni Jino sa kay Rose Mary? Sino kaya ang pipiliin niya? Ang dating pag-ibig na nagdala sa kaniya sa kapahamakan? O ang isang buhay na nasa sinapupunan ng babaeng hindi niya kilala pero natutunan na niyang mahalin?
Romance
102.1K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Because... I love you

Because... I love you

DuraneousMxMDramaCEO
Mahirap lang ang buhay na mayroon si Mavy. Maliit na bahay, simpleng mga gamit at walang trabaho. Pero sa kabila ng hirap, pinipilit niyang maging malakas at matatag para sa kapatid niya. Dalawa na lang silang magkasama sa buhay simula nang namatay ang mga magulang nila dahil sa isang aksidente. Isang mabuti at responsableng Kuya naman siya pero hindi ito naging sapat para maalagaan ang katapid niyang may breast cancer. Dumating pa sa puntong kinailangan niyang magnakaw at pumasok sa isang club bilang isang cross dresser para mabayaran ang mga gastusin sa hospital. Hindi na niya alam ang gagawin niya hanggang nakilala niya si Kfer Vargaz. Isang mayamang negosyante si Kfer, at pipirmahan lang ng mga magulang nito ang kumpanya na para sa kaniya sa isang kondisyon. Kaya naman inalok niya si Mavy ng isang bagay sa pag-aakalang babae siya. Hanggang unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Kfer sa kaniya. Lahat kayang iwan at isakripisyo ni Michael para sa kapatid. Ngunit kaya pa ba niyang isakripisyo kahit ang nararamdaman niya para lang maging masaya ang kapatid niya?
LGBTQ+
101.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Turn Her Into Demure Woman

Turn Her Into Demure Woman

desire_ru
THIS STORY IS INSPIRED BY THE JAPANESE SERIES, "YAMATO NADESHIKO" or "The Wallflower" Limang makikisig, matatangkad, at naggagwapuhang lalaki ang naninirahan sa mala-palasyong mansyon na pagmamay-aari ng isang kilalang bilyonara sa iba't ibang panig ng mundo na nangangalang Madame Madeline Dawson at kinikilala nila ito bilang kanilang Auntie. Ang limang lalaki ay may kaniya-kaniyang pribadong rason kung bakit sila kinukupkop nito. Ngunit isang araw, sinurpresa sila ng kanilang auntie ng isang misyon na akala nila ay madali lamang nila itong mareresolbahan. Ang misyong kanilang dapat matupad ay gawing disente, malumanay, at mahinahong dalaga ang kanyang pamangkin. Ikinasindak nila na kung hindi 'man nila ito mapagtagumpayan ang misyon, sisingilin sila ng renta na umaabot ng milyon-milyong dolyar. Maraming naging kwestyon ang nabuo sa isip nila kung anong uri ng babae ang kanilang makakasalamuha gayong walang sapat na impormasyon na binigay sa kanila ang kanilang auntie sa nagngangalang Ayla Desire Dawson. Mapagtatagumpayan kaya nila ang misyong nakalatag sa kanila? At anong mga senaryo ang mabubuo sa kanilang anim sa mahabang panahon na kanilang pagsasama sa iisang bubong.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim

Isla De Kastilyo Series 1: Her Luscious Rim

Hope Castillana
Andrei De Catalina. Babaeng kilos lalaki. Kinakatakutan ng buong Isla de Kastilyo dahil sa pagiging ruthless, evil, cold, dictator and wealthy young businesswoman. She has a power, wealth and a sexy body to die for. Though ang pagkakaroon niya ng magandang katawan ay wala lang sa kanya in fact she don't want to be sexy and hot. Mas gusto niyang magkaroon ng abs and broad chest and shoulder. In short, she wants to be a guy pero hindi niya gusto ang ideya na sumailalim sa iba't ibang treatment para baguhin ang physical feature sapat na 'yong babae siya sa pisikal pero lalaki ang galaw. What do you think will happen when she meet a guy named Tadeo Merandela? Isang simpleng magsasaka at tagapangalaga ng mga hayop sa bukid na pag-aari ng mga De Catalina. Lalaking isa sa mga taong takot sa presensya ni Andrei. Lampa, iyakin at madalas na pagkatuwaan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Madali itong tumiklop at mahina ang loob. Exact opposite sa kung ano si Andrei. Well, isa nga ba sila sa magpapatunay sa kasabihang opposite do attract?
Romance
102.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Don't Fall for Me

Don't Fall for Me

Upang matakasan ang isang arrange marriage, ginawa ni Zea ang lahat para lamang hindi maipakasal sa taong ni sa hinagap ay hindi niya nakilala at mas lalong hindi niya mahal. Nang magawang makatakas ay nag tungo siya sa hindi pamilyar na lugar na sa tingin niya ay hindi siya mahahanap ng kanyang lolo. Natagpuan niya ang isang napakalaking gate kung saan sa malayuan ay ang mala-haciendang tahanan. Dala ng kakuryosohan ay sinubukan niyang pumasok at lumibot sa lugar na pinagsisihan niya dahil sa lalaking walang habas na hinila siya papasok ng hacienda at basta na lamang siyang ginawang katulong. Dahil walang sapat na pera at bahay na matitirhan ay wala siyang magagawa kung hindi sapilitang tanggapin ang naging kapalaran. Ang dating magarang buhay niya ay magbabago. Ayos lang kung ang kapalit naman nito ay makatakas siya sa bagay na ayaw niya. Akala niya ay nagawa na niyang makatakas kahit pansamantala ngunit hindi naman niya inakala na yun pa pala ang maglalapit sa kanya sa isang bagay na pilit niyang iniiwasan.
Romance
9.918.6K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Her Ambitious Love

Her Ambitious Love

KheiceeBlueWrites
Lovely Girl Series 2: Her Ambitious Love Maxine Willow will do everything para sa lalaking kanyang minamahal na si Lucas Ridge—isang sikat na artista. At hindi naman siya nabigo dahil sa kabila ng pagsusumikap at pagtitiis niya ay naabot niya ang mundo nito. Pero may natuklasan siyang lihim mula sa binata, isa itong kabit ni Verlene Reyes Tyler, ang asawa ng isang successful governor na si Hudson Tyler. Pero iba ang lumabas sa mga balita, sa halip na si Verlene ay siya ang kumakalat na girlfriend ni Lucas. At hindi niya maunawaan ang sarili kung bakit sa halip na kalimutan na lamang si Lucas ay mas lalo niya pa itong hinangad. Gagamitin niya ang pagkakataon na iyon para makuha niya ang lalaking kanyang matagal ng inaasam. Aalukin niya ng kasal si Lucas, kapalit ng pagtahimik niya tungkol sa relasyon nito kay Verlene. Ngunit hanggang saan nga ba ang kaya niyang tiisin at ibigay para sa lalaking kanyang labis na minamahal? Sapat nga ba ang pagmamahal niya para manatili ito sa buhay niya?
Romance
983 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Unloved Wife

The Billionaire's Unloved Wife

Abigail Gutierez is the wife of the billionaire businessman, Sebastian Ashford. Maganda, mapagmahal, mabait at maalaga. They're happily married for 2 years kahit wala pang anak. Hanggang sa napag desisyunan nilang mag-asawa na mag-ampon ng bata. Dahil ayon sa doctor na tumingin sa kanya ay baog siya. At hindi ito lingid sa kaalaman ng kanyang asawa. Tinanggap pa rin siya nito ng buo. Akala ni Abi sapat na ang bata para matawag sila na isang buong pamilya. Ngunit habang tumatagal nararamdaman ni Abi ang kagustuhan ng asawa niyang magkaroon ng sarili nitong anak na galing mismo sa dugo't laman nito. Isang bagay na hindi niya maibigay-bigay sa asawa. Hanggang isang araw nadatnan niya ang kanyang asawa na nakapatong sa ibang babae. Masakit na malaman niyang baog siya, ngunit mas masakit pala na makita ang asawa mong may pinapatungang iba. At sa kanyang paglayo ay mayroon namang dumating na panibagong pag-asa na kukompleto sa kanyang buhay. Ngunit paano kung muling bumalik ang taong nanakit sa puso at pagkatao niya? Magagawa pa bang magpatawad ng isang pusong wasak?
Romance
10138.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Mga Kalansay Sa Tabi Ng Basurahan

Ang mga magulang ko, ang pinakamayaman na magkasintahan sa bansa, ay sikat na mga pilantropo. Kailangan ko hingin ang permiso nila kung kailangan ko gumastos ng higit pa sa limang dolyar. Sa araw na nadiagnose ako ng terminal cancer, humingi ako ng 100 dolyar, pero sa halip na tulungan ako, sinigawan nila ako ng tatlong oras. “Anong klaseng sakit ang makukuha mo sa edad mo? Kung hihingi ka lang ng pera, galingan mo naman sa palusot mo.” “Alam mo ba na ang 100 dolyar ay kayang suportahan ang mga bata sa naghihirap na mga lugar ng matagal na panahon? Mas may sense pa kausap ang kapatid mo kaysa sa iyo.” Kinaladkad ko ang katawan ko na may sakit pabalik sa maliit na basement. Pero noong dumaan ako sa mall, nakita ko ang mga magulang ko, live sa malaking screen, gumagastos ng malaking yaman para lang rentahan ang Disneyland para sa kapatid ko. Ang isang daang dolyar ay hindi sapat para sa isang round ng chemotherapy. Gusto ko lang bumili ng bagong damit at lisanin ang mundo ng may dignidad.
Read
Idagdag sa library
The CEO's Personal Maid

The CEO's Personal Maid

Siya si Erika Fernandez, bata pa lang ay mulat na siya sa hirap ng buhay. Hindi na bago sa kanya ang pagta-trabaho ng mabibigat, at ang paninilbihan sa iba. Isang araw, nakilala niya si Brandon Monteverde, isang gwapong mayaman na sing-lamig ng yelo kung umasta. Palagi itong seryoso at parang galit sa kanya. Pero kahit iritado sa senyorito, ginawa ni Rika ang lahat manatili lang sa trabaho. Iyon ay ang pagiging personal maid ng isang CEO. Si Brandon Montevede, isang lalakeng lumaki sa marangyang pamilya. Lahat ay nagagawa at nakukuha niya. Maliban na lang ang makawala sa planong pagpapakasal sa babaeng 'di niya gusto para lang sa paglago ng negosyo. Iyon ay dahil nahulog ang puso niya sa makulit at anim na taong mas bata sa kanya na si Erika. Palagi siya nitong napapasaya, at siya rin ang naging depinisyon ng salitang "pahinga". Magiging sapat nga ba ang pagmamahal para piliin ni Brandon si Erika kapalit ng lahat ng kayamang meron siya? Lalo na't ang pagmamahalan ding iyon ay nakabuo ng isang tagapagmana?
Romance
1067.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The CEO's Cold Ex-Wife

The CEO's Cold Ex-Wife

Matindi ang pag-ibig ni Bella kay Jace na nauwi sa pamimikot. Ang pangarap niya ay naging bangungot. Hindi sapat ang pagmamahal niya para tumagal ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Iniwan siya nito sa kabila ng pagmamahal at patitiis niya. Gumuho ang mundo niya nang umalis ang binata at ipagpalit siya sa babaeng talagang mahal nito. Makalipas ang limang taon ay bumalik si Jace upang gampanan ang tungkulin nito bilang CEO ng kumpanyang pag-aari ng pamilya. Kagaya ng inaasahan ay galit pa din ito sa kanya. Pagdating ng binata ay inabot nito ang annulment papers na agad niyang pinirmahan. Kung kailan masaya na siya sa buhay niya ay tsaka naman ito nanggugulo. At ang offer nito to be his bed partner shocked her the most. Ngunit wala na siyang balak magpauto dito. Kahit pa wala namang nabago sa damdamin niya. Mahal na mahal pa din niya ito, noon at ngayon. Kung hanggang kailan ay hindi niya alam. Isa lang ang nagbago, magaling na siyang magtago ng damdamin ngayon. Pwede naman niya itong patuloy na mahalin ng siya lang ang nakakaalam.
Romance
1023.2K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (10)
Read
Idagdag sa library
Mayfe de Ocampo
Madam A maganda sana ang story na to kulang lang po sa update compare sa ibang storyline na nababasa ko daily may update,instead tutukan mo ang story katagalan mawawalan ka gana, bigyan mo sana ng pansin concern ng mga avid readers mo...ty
Maria Bonifacia
Dear Lovely readers, heto po ang ibang books ko: 1. The CEO's Cold Ex-Wife - On-going 2. Love for Rent - Completed 3. The Ex-Convict Billionaire - Completed 4. Unlove Me Not - Completed Kayo po ang aking inspirasyon sa pagsulat. Taos puso po ang aking pasasalamat. Enjoy reading!
Basahin ang Lahat ng Review
PREV
1
...
678910
...
12
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status