Darkness Within
Huminga ako nang malalim bago ito buong puwersang pinakawalan.
"Cassy! No!"
Hindi ko pinansin ang sigaw na iyon ni Raven, dahil kahit na sundin ko ang sinasabi niya, huli na, napakawalan ko na. Nabalot ng kulay lilang liwanag ang paligid. Namayani ang katahimikan, ngunit ilang segundo lang ay nabasag ito ng tunog ng malalakas na kidlat. Ang kanina'y kulay lilang paligid ay tila nabalot ng umuulan na itim na kidlat. Isa-isang tinamaan ang mga kalaban. Naghalo ang sigaw, daing, mga pagsabog, at tunog ng kidlat. Nabalot ng usok at alikabok ang buong paligid. Rinig ko ang pag-ubo ng iilan malapit sa akin.
Hot Chapters