Embracing the Trouble Maker
Karamihan kase ay nag hahanap buhay na lamang dahil sa hirap ng buhay habang ang iba naman ay hindi na nakapag aral at huminto na kaya sobrang suportado ang mga naka tira dito sa bawat estudyanteng nag aaral pa.
Naalala ko tuloy nung nakaraang taon, graduation ko sa highschool tapos maraming kailangan bayaran, akala ko hindi na ako makakapag martsa dahil wala akong pera pambayad kahit man lang sa pictorial at toga. Nagulat nalang ako isang araw na may kumakatok sa pinto namin at pinapa gayak ako na pumunta ng school para humabol sa graduation picture. Inabutan nila ako ng pera, nag ambagan daw sila para kumpletuhin ang bayarin ko dahil minsan lang daw sa buhay ang makapag martsa ng may medal
인기 회차