Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

The Zillionaire's Hidden Child Is A Model

One drunken night led Leila Valderama to marry the love of her life Beau Valencia. But Beau didn’t feel the same. After what happened he despised her. Ngunit sa kabila no’n ay pinakasalan siya nito hindi dahil sa pagmamahal kun’di para isalba ang negosyo ng pamilya nito na nasa bingit ng pagkalugi. Sa kabila ng mga hindi pagkakaintindihan at pagkakaiba nila ni Beau ay pinili niyang maniwala na maaayos rin ang pagsasama nila nito. Pero sa kasamaang palad ay hindi pala kayang turuan ang puso… Sa loob ng pitong taon ay tiniis ni Leila ang harap-harapang pagpapakilala sa kanya ni Beau ng ibang babae. Maging ang kawalan nito ng pakialam sa nararamdaman niya ay nagawa niyang tiisin. Pero ang lahat pala ay may hangganan dahil isang araw ay nagising na lang siya at naisip niyang wala ng ibang paraan para maisalba pa ang pagsasama nila. Ang tanging solusyon na lang ay ang sumuko. Ibinagsak ni Leila ang envelope na naglalaman ng divorce papers nila pagkatapos ay isinama ang anak niya para magpakalayo-layo. Desidido siyang baguhin at ayusin ang buhay nila. Sa loob lamang ng isang taon ay umangat ang buhay niya. Isang araw ay nakarating ang balita kay Beau. Nakatitig siya sa kopya ng papeles na ibinigay sa kanya ng kanyang tauhan—ang dati niyang asawa ay nangunguna na sa artificial intelligence industry—at ang mas nakakagulat ay nakita niya sa unang pagkakataon ang anak niya na isang sikat na child model.
Romance
10120 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
A Stepbrother's Burning Desire

A Stepbrother's Burning Desire

Si Xyza Gabrielle Ignacio, dalawampu 't tatlong taong gulang, ay nag-iisang anak ng isa sa pinakamayayamang pamilya sa mundo ng negosyo. Dahil dito, lumaki siyang spoiled at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto. Mas inuna pa niya ang barkada, gala at luho. Ang pag-aaral? Palaging nasa huli sa kanyang listahan. Ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente. Dahil sa depresyon, ay napabayaan ng kanyang ina ang kanilang negosyo hanggang sa tuluyang malugi at magsara. Kaya sa isang iglap ay bigla na lamang nawala ang marangyang buhay na kinasanayan niya. At sa isang desisyong hindi inaasahan, muling nagpakasal ang kanyang ina, isang bagay na labis niyang tinutulan. Mas lalo pang gumulo ang lahat nang napag-alamang sa bahay ng bagong asawa nito sila titira. Doon niya nakilala si Flint Atlas Martinez, ang "bagong kapatid" niya sa papel. Tatlumpung taong gulang, strikto, may kayabangan, pero hindi maikakailang mapang-akit. Isa itong CEO ng matagumpay na engineering firm na siyang pagmamay-ari ng pamilya nito. Araw-araw silang nagbabangayan. Hindi sila magkasundo sa kahit maliit na bagay. Si Xyza, palaban at maarte. Si Flint, mayabang at sobrang higpit sa kanya sa hindi malamang dahilan. Pero paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo, unti-unting umusbong ang isang bawal na damdamin? Bawal na damdamin sa mata ng ibang tao, dahil sa papel ay magkapatid sila. Ngunit, kung kailan unti-unti na nilang nauunawaan ang tunay nilang nararamdaman para sa isa 't isa, saka naman nagsilabasan ang mga hadlang. Una na roon ang ina ni Xyza, dahil naniniwala itong isa na silang pamilya. At ang masaklap pa, umeksena pa ang dating kasintahan ni Flint, isang babaeng handang gawin ang lahat upang maagaw muli ang lalaking minamahal niya. Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang mga damdamin sa dami ng mga humahadlang sa kanilang pag-iibigan?
Romance
1013.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Taming the  Sunshine

Taming the Sunshine

Death Wish
Dala ng wala nang iba pang solusyon sa sitwasyon ng nag-iisang tagapagmana ng Multi-billionaryong kompanya, si Gabriel Aquinas, nagawa ng kanyang dalawang ama-amahan na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban ng dalaga na si Serena Madison ang dalhin nito ang kanyang anak. Ang dalaga lamang ang nag-iisang babae na malapit kay Gabriel dahil pihikan ang binata na makipag-usap o makipagkilala man lamang sa mga babae. Sa una hindi malinaw kay Gabriel kung bakit napakagaan ng loob niya sa dalaga na kahit problema niya sinasabi niya dito kahit nga nililihim niya ang pagkatao sa dalaga. Ngunit ng may mangyari sa kanilang dalawa kaagad naman luminaw ang lahat kay Gabriel. Simula ng may mangyari sa kanila hindi na hinayaan pa ng binata na makalayo sa kanya ang dalaga lalo na nagbunga ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Ngunit ano na nga lang ba ang mangyayari kung wala namang nararamdaman sa kanya ang dalaga at hindi nito nagustuhan ang ginawa niya sa kanya? Paano na kung ang nangyari sa kanila ang dahilan upang mawala ng tuluyan ang tiwala ni Serena kay Gabriel? At paano na rin kung ang matagal nang hinahanap na kahinaan at butas ni Gabriel ng kanyang mga kalaban ay ang dalaga na naging malinaw na nga sa lahat? Paano ba niya mabibigyan ng proteksyon ang dalagang nagalit sa kanya sa likod ng maraming maaring manakit dito? At paano niya mapapatunayan sa dalaga na mahal niya ito? TAMING THE SUNSHINE @DeathWish [HER RETURN 2024]
Romance
4.32.7K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Mafia' Seeds Thief

The Mafia' Seeds Thief

Si Lucky ay NBSB, at isang matagumpay na manunulat ng erotika. Lumaki siyang malaya at may sariling kakayahan kahit na ipinanganak siya sa isang mayamang pamilya. Siya ay kontento na sa kanyang dalawampu't walong taong pag-iral. Gayunpaman, umabot siya sa punto ng kanyang buhay na nais niyang magkaroon ng anak. Nasa tamang edad na si Lucky; marami na siyang naipon na pera at may sariling bahay. Ito rin ang paulit-ulit na hinihiling ng kanyang mga magulang. Isa lang ang problema ni Lucky: dumaranas siya ng genophobia, isang mental health disorder na nailalarawan sa pamamagitan ng takot sa sekswal na intimacy. Walang ibang nakakaalam sa kalagayan niya bukod sa matalik niyang kaibigan na si Genesis. Maging ang sariling pamilya ay walang kamalay-malay dahil natatakot siyang kutyain ng iba ang kanyang kalagayan; kaya, hindi solusyon ang pag-ampon sa kanyang pagnanais na magkaroon ng anak. Isang opsyon lang ang maiisip niya: IUI, isang medikal na pamamaraan kung saan direktang itinatanim ang sp*rm ng isang lalaking donor sa matris ng babae. Sinabi ni Lucky kay Genesis ang tungkol sa kanyang plano, at sinuportahan siya ng kanyang matalik na kaibigan; gayunpaman, nang sabihin niya na gusto niyang si Genesis ang kanyang sp*rm donor, tumanggi ang lalaki, na sinasabing ayaw niyang managot sa sinumang babae, lalo na kay Lucky. May paraan na, pero hindi inasahan ni Lucky na mahihirapan siyang kumbinsihin ang matalik na kaibigan, kaya naman gumawa ng krimen si Lucky isang gabi matapos makipagtalik si Genesis sa kanyang flavor of the month; ninakaw niya ang ginamit na condom ni Genesis. Magtatagumpay kaya ang insemation ni Lucky? Ano ang mangyayari sa pagkakaibigan nila ni Genesis dahil sa makasarili niyang desisyon? Mawawasak ba sila o may bagong pag-ibig ang uusbong sa panahong sinubok ang kanilang pagkakaibigan.
Romance
1016.4K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
PREV
1234
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status