Working as a Maid for the Billionaire
Ang mga dahon ng kangkong ay nananatiling matingkad ang pagkaberde, ang mga talong at labanos ay may sapat na lambot ngunit hindi lasog, at ang karne ng baboy ay halatang natanggalan na ng tigas dahil sa tamang oras ng pagpapakulo.
“Ang galing mo, Assistant Lucas,” panunukso ko sabay tapik sa kaniyang balikat. “Puwede ka nang mag-apply na sous chef sa mga karinderya sa amin. May potential ka.”
Natawa siya, isang mababa at malat na tunog na palaging nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Ipinasok niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang pantalon at sumandal muli sa counter, tinititigan ako nang may halo-halong paghanga at lambing. “I had a great teacher, Che
Hot Chapters