CARIÑO ETERNO
Ang kanyang boses, ang mga salita na lumabas sa kanyang bibig ang siyang aking kalakasan.
“Nais ko sanang magpakalayo-layo muna sa kanila, nais ko munang lumayo sa aming lupain” saad ko kay Selestina. Napansin kong napatingin siya sa akin, kahit na nasa harap ang aking pangingin, “Lilisanin mo ang inyong tribo?” nagtataka niyang tanong. Tribo? Barangay ang tawag sa amin. Yun ang aking pagkakaalam. “Gusto ko munang lumayo sa aming lupain, malayo sa aking mga kalahi” tugon ko ulit sa kanya. “Kalahi? Hindi lang isang pamilya ang nasa inyong lupain?” nagtataka niyang tanong. Napatingin ako sa kanya, at natandaan kong isa pala siyang Kastila, na marunong magsalita ng aming lenggwahe.
Hot Chapters