One Last Time
“Mahal kita.”
“Huwag mo nang sabihin ‘yan kung hindi totoo,” bulong ni Olive. “Masakit pa ‘yan kaysa sa pag-alis mo.”
Kinabukasan, madaling araw pa lamang nang umalis si Romer mula sa penthouse. Ang buong Manila ay natatakpan pa ng dilim, pero sa loob ng kanyang dibdib ay mas madilim pa. Sa pintuan, huling yakap nila ni Olive. Mahigpit. Matagal. Pero walang init. Parang yakap ng dalawang estranghero na sapilitang magkahawak.