"CHASING MY BILLIONAIRE EX-WIFE"
Kabanata 14
"Sa likod ng mga ilaw at Musika'
Matapos ang kanilang make-over, minaneho ni Shiela si Elara patungo sa isang sikat na club sa gitna ng lungsod—paborito niyang tambayan.
"Iyang club na 'yan, high-end. Doon tumatambay ang mga sikat—mga artista, supermodel, pati mga bigatin sa music industry. No'ng huli akong nando'n, nakachika ko 'yung miyembro ng isang kilalang boyband. Babaero raw talaga 'yon, at totoo nga—hinila ako sa VIP at hinalikan nang todo. Pero ang di ko inakala, pati fans nila game din makipag-one night stand. Kaya ko nasabing, anong silbi ng kasikatan kung gano’n? Eh tayo nga, mga Lhuillier, hindi na kailangan ng fame. Kilala na tayo sa mundo ng negosyo."
Bab Populer