HIS IMPOSTOR WIFE
'Anong oras na kaya?
Nakakatamad namang bumangon, parang ang sarap matulog buong maghapon. Niyakap ko pa ng husto ang unang nakaharang. Inamoy pa ito at sininghot. Napamulat ako ng mga mata. Parang may nag-iba. Alalang-alala ko pa ang kalambutan ng unan, ba't biglang tumigas ito? Katulad ng kulay ng punda puti rin ang telang nakita.. pero teka, hindi na yata unan ang kayakap ko?!
Bumalikwas ako ng bangon medyo hingal dahil sa gulat. Tama ako ng hinala! Tao na ang kayakap ko at ang unan na nakaharang ay nasa paanan ko na!
ตอนยอดนิยม