Unexpected Wife of a Billionaire
lumapit si Vinz at nakakalokong tumingin kay Lovely, "ilang araw ng hindi makauwi si Jeth, tapos, nadala ko pa ang phone niya, kawawa naman si Danica, mag isa lang nag aalaga ng kanilang kambal na anak, hindi po ba?"
"Naku, anak, di ba? nakakahiya sa asawa ni Jeth.. kaya sana, kami ang tinawagan mo," malungkot na sabi ng ina ni Lovely, "salamat Vinz, saka kay Jeth. Napakabait siguro ng asawa ni Jeth ano?"
"Mabait po siya tita, kaya nakakaawa namang talaga.." sagot ni Vinz.
"Hindi siya asawa ni Jeth, hindi pa sila kasal.." inis na sagot ni Lovely sa kanila, "ang asawa, may certificate of marriage, wala naman silang ganoon."
인기 회차