My Contract Husband: The Ultimate Prank Gone Wrong
Hinawakan niya ang mga kamay ko.
“Huwag kang magsasawang magmahal, Seg. Alam kong makakahanap ng tamang babae ang puso mo. Pero dapat, hindi iyon maging katulad ng nararamdaman mo para kay Carmen. Masama ang magmahal nang sobra-sobra, anak. Kapag sumobra ang pagmamahal, nauuwi ito sa obsesyon. At ang obsesyon, tulad ng isang bisyo, ay nagiging lason sa isipan. Sa simula, matamis at nakakaadik, pero kalaunan ay hahantong sa matinding pagkabigo at unti-unti nitong kinakain ang iyong katinuan hanggang sa tuluyan kang lamunin at mawalan ng bait. We don’t want you to be like that, anak. Kaya pakiusap namin ng daddy mo… sana mahalin mo muna ang sarili mo. Mag-obsess ka na lang sa sarili mo kaysa i
Hot Chapters