Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HIDDEN BONDS OF VENGEANCE

HIDDEN BONDS OF VENGEANCE

Matapos na ipatapon ng sariling asawa at step-sister sa karagatan, bumalik si Lauren De Silva sa bayan ng San Lorenzo gamit ang isang bagong mukha at pangalan bilang Estrella Watson. Gagamitin niya si Nicholas Chua ang half-brother ng kanyang dating asawa na si Nathaniel Chua para makapaghiganti ngunit wala siyang kaalam-alam na si Nicholas pala ang lalaking nakabuntis sa kanya noong gabing sinet-up siya ng kanyang stepsister para hiwalayan siya ni Nathan.
Romance
9.38.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

The CEO's Accidental Bride: From Ex-wife to Heiress

Sa mismong araw ng kanyang divorce, nagsuot si Dorothy Navarro ng pulang bestida—hindi para mang-akit, hindi para magpakitang okay siya, kundi para alalahanin ang minsang pagmamahalan na ngayo'y ganap nang nawala. Pagkatapos niyang talikuran ang isang sirang kasal ng walang halong drama, ang huli niyang inaasahan ay ang mapansin ng pinakanakamisteryosong CEO sa bansa—si Theodore Velasco. Tahimik. Mapanuri. Mapanganib sa mga taong humaharang sa daan niya. At tila may alam ito tungkol sa matagal nang tinataguang katotohanan: ang pagkamatay ng tiyahin ni Dorothy—isang kasong tinapos ng mundo bilang "suicide." Ngunit isang tawag lang, isang paper bag ng kape, at nahulog si Dorothy sa isang masalimuot na mundo ng lihim, kapangyarihan, at paghilom ng lumang sugat. Upang mabuhay sa bagong laban, kailangang mamili ni Dorothy: pagkatiwalaan ang lalaking walang emosyon ngunit may hawak ng katotohanan—o layuan ang tanging taong handang bigyan siya ng proteksyon, kalayaan, at isang bagong apelyido—Mrs. Velasco. Ngunit ang kasunduang kasal na ginawa para sa paghihiganti… ay baka mauwi sa totoong pagmamahal. Magtatagumpay ba si Dorothy bilang maging tagapagmanang pinagkait sa kanya noon? O ang pangalawang pagkakataon niya sa pag-ibig ang tuluyang magpapabagsak sa kanya?
Romance
10478 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
 Red Rose [Filipino/Tagalog]

Red Rose [Filipino/Tagalog]

Si Kalila Madison Ramirez ay bagong estudyante lamang sa Gatewood University. Wala siyang kaide-ideya sa sitwasyong napasukan niya. Desenteng paaralan pero maraming sekreto at kababalaghan. Sumpa raw ayon sa mga mag-aaral. Ang mga tao ay konektado at isa isang pinapaslang. Walang may alam. Lahat kinakabahan. Bawat biktima ay may hawak na pulang rosas. Sino? Sino ang may kagagawan? Sino ang susunod? Siya na ba? Ngunit, papaano siya makakalabas sa gulong wala naman siyang kinalaman?
Mystery/Thriller
1039.5K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
Dating My Ex-Boyfriend's Gilrfriend's Father (SPG)

Dating My Ex-Boyfriend's Gilrfriend's Father (SPG)

Amber Ruiz was once betrayed by her boyfriend, traded for a rich and beautiful young woman. Ngunit hindi siya natinag; bagkus, lumaban siya, hindi para sirain ang dalawa, kundi para saktan ang mga ito sa paraang mas masaya. Magiging tinik siya sa lalamunan ng kaniyang ex at ng bagong babae nito. Sa pamamagitan ni Achilles Marvels, ang makisig na ama ng girlfriend ng kaniyang ex-boyfriend. Ginawa niya ang lahat para maakit ito sa kaniya. She's masterminding the seduction of her ex-boyfriend's girlfriend's hot daddy.
Romance
249 viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The Billionaire's Playdate

The Billionaire's Playdate

sybth
Natuklasan ni Jaxson na ang inaakala niyang kanyang anak sa sinapupunan ng fiance, ay anak pala ng kapatid niya sa ama. Nilunod niya ang sarili sa alak dahil sa paghihignapis nang magawa siyang pagtaksilan ng dalawang taong pinagkakatiwalaan niya. Nagkataon naman na sa club kung saan siya naroroon, ay siya ring kinaroroonan ni Cattleya upang punan ang raket na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Nang sandaling mag krus ang mga landas nila, isang hindi inaasahang plano ang nabuo kay Jaxson. Inalok niya si Cattleya ng isang trabaho, at ito ay ang magpanggap bilang bagong girlfriend niya at ipamukha sa pamilya at ex-fiance na hindi siya apektado at agad nang nakalimot, dahil sa takot maging isang katatawanan. Nag-alinlangan man ay nakumbinsi rin si Cattleya na pumayag sa alok ni Jaxson dahil sa kabayaran nito. Magiging malaking tulong ito para sa pag-aaral niya at pang-suporta sa pamilya. Kahit na hindi magkakilala at walang alam sa isa't isa ay dumalo ang dalawa sa dinner ng pamilya Madrigal bilang bagong magkasintahan. Ang hindi nila inaasahan, ay ang agarang utos ng ama ni Jaxson na pakasalan niya si Cattleya sa isang kondisyon na hindi nila matatangihan.
Romance
4.3K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)

Second Chance With Her Billionaire Husband (SPG)

Siya si Natalie Flores-Vergara. Dating 18 years old, ngunit pagkatapos ng isang trahedya, bigla itong nagising sa ospital—may asawa, dalawang anak, at isang kasal na nasa bingit ng pagkawasak. Sa isang idlap, siya na si Natalie Vergara na 24 years old, anim na taon ang nakalipas. Ang dating mahina at bulag sa pag-ibig na babae ay nawala na. Sa halip, bumalik ang isang babaeng muling ipinanganak sa bagong panahon—matapang, matalino, at handang bawiin ang lahat ng ninakaw sa kanya. Habang unti-unti niyang binabawi ang tiwala ng kanyang mga anak at ginagamot ang mga sugat ng nakaraan, natuklasan niyang ang lalaking kaniyang minsa’y nasaktan—si Alexander Vergara, ang misteryosong CEO na minsang minahal niya—ang tunay na nagligtas sa kanya anim na taon na ang nakalipas. Ngunit habang isinusulat ni Natalie ang bagong yugto ng kanyang buhay bilang ang Miracle Doctor Thalie at bilang Ms. Flores, ang pinakamakapangyarihang babaeng negosyante sa industriya, muling lilitaw ang lalaking minsang sinira siya—Dominic Almeda, ang lalaking minsan niyang minahal nang buong puso. Sa pagitan ng paghihiganti, paghilom, at pag-ibig, pipiliin ni Natalie kung sino ang karapat-dapat manatili sa kanyang muling nabubuong mundo… Ang lalaking minsan siyang nilason, o ang lalaking minsan niyang nasaktan?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig

Nalanta at Muling Namukadkad ang Pagibig

Pagkatapos ng tatlong taon naming pagdadate ni Nathan Foster, inakala kong alam ko na kung saan kami tutungo. Pero hindi siya kailanman nagpropose sa akin. At sa halip ay nagawa pa niyang malove at first sight sa aking stepsister. Naging direkta at walang tigil ang ginawa niyang panliligaw dito na hindi nagiwan ng pagdadalawang isip sa aking isipan. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nagbreakdown o naghintay pa sa mga mangyayari habang umaasa na babalik pa siya gaya noon. Napagdesisyunan ko nang makipaghiwalay. Itinapon ko ang lahat ng regalo niya sa akin, pinagpunit punit ko rin ang wedding dress na lihim kong binili at noong kaniyang kaarawan, iniwan ko sa aking nakaraan ang Riverdale. Nang sasakay na ako sa aking flight, nagmessage si Nathan sa akin: “Nasaan ka na? Hinihintay ka ng lahat.” Ngumiti ako, pero na ako nagreply sa kaniya habang binoblock ko siya sa bawat platform. Wala siyang ideya na dalawang linggo na ang nakalilipas mula noong tanggapin ko ang proposal ng aking college senior na si Eustace Cooper. Nang lumapag ang eroplano sa bagong siyudad na aking titirhan, nakahanda na kami ni Eustace na simulan ang bagong yugto ng aming mga buhay nang magkasama—bilang magasawa.
Maikling Kwento · Romance
1.7K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
The Lotto Winners are Ex-Lovers

The Lotto Winners are Ex-Lovers

Eighteen year old kolehiyala Anna Eleonora Azores-Madera left home dahil sa pagrerebelde sa ama at sa sobrang galit sa two-timer na nobyo. She met Janus Buergo, a compassionate autho shop owner, and cohabitate with him. Nang mamatay ang kambal na bagong silang niya ay naghiwalay sila. Nagkita silang muli after five long years and won simultaneously sa grand lotto. Sign ba ito ng tadhana na sila ang itinakda para sa isat-isa? Or badya ng panganib at magdudulot ng trahedya sa kanilang mga buhay?
Urban
108.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Maid in Manila, Loved in Secret

Maid in Manila, Loved in Secret

Isang simpleng probinsyana lang si Mariz "Izzy" Villoria, na napadpad sa Maynila para kumapit sa pangarap. Pero sa pagdating niya sa isang malaking bahay bilang maid, makikilala niya si Gabriel "Gabe" Alcantara, ang guwapong amo na sampung taon ang tanda, ngunit may pusong sarado sa pag-ibig. Para sa kanya, walang forever. Para sa kanya, laro lang ng apoy ang relasyon. Pero bakit sa bawat ngiti ng bagong katulong ay unti-unti niyang nakikitang may dahilan pa para magmahal?
Romance
1011.3K viewsKumpleto
Read
Idagdag sa library
CHASED BY MY HOT BOSS

CHASED BY MY HOT BOSS

Iniwan si Giselle Navarro ng fiance niya sa mismong araw ng kanilang kasal. Sa gitna ng pagkawasak, napilitan siyang ibigay ang sarili kapalit ng isang bote ng mamahaling tequila. Hindi niya alam na ang bartender ng gabing iyon ang magiging dahilan ng pagbabago ng kanyang buhay… at siya rin pala ang bagong CEO ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Paano niya ililihim ang pagbubuntis kung ang ama ng bata ay siya ring boss na araw-araw niyang kaharap sa loob ng opisina?
Romance
1067.8K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
27
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status