My Chubby Romance
Kung mabuti naman siyang tao at wala siyang tinatapakang kapwa, hindi ba siya pwedeng maging lovable?
"So, what do you think?"
"Saan?" Nakatitig pa rin siya sa ginawa ng kaibigan.
"Tungkol diyan sa picture na ginawa ko."
"Maganda siya."
"Bru, maganda ka! Ikaw iyan!"
Umiling si Becky bago isara ang laptop. "Hindi ako 'yan. Hindi ko kailangang humiram ng katawan ng unknown na babae sa Internet para lang gumanda sa paningin ng iba. This is the real me, tanggap ko naman ang waistline ko pati ang katawan na meron ako. At naniniwala akong darating ang panahon na may magmamahal pa rin at tatanggap sa akin kahit gaano pa ako kataba. Merong lalaki diyan na tatanggapin ako ng buong- buo. Fat and all.
Hot Chapters