The Surgeon's Second Heartbeat
sigaw ni Celeste sa gitna ng ugong ng makina at hampas ng alon, may malapad at tapat na ngiti sa kaniyang mga labi.
"There's nothing I can't drive or fly, Celeste," mayabang at nakatutuksong ganti ni Greg habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga sa tabi niya.
Habang naglalayag sa gitna ng karagatan, biglang napansin ni Gregory an isang maliit, luntiang isla na napapalibutan ng pinong puting buhangin at mga naglalakihang puno ng niyog. Ang isla ay tila hindi pa gaanong komersyalisado—walang malalaking gusali, walang maiingay na turista, at may ilang maliliit na bangka ng mga mangingisda na nakatambay sa dalampasigan.