My Dark Past
I frowned.
Saka nagpatuloy ang doktor sa pagpapaliwanag, “Hindi na ho ako magtataka kasi may history na rin pala siya nito. But this time, this was caused by her traumatic brain injury² o fracture sa kanyang bungo, gawa nga nang nangyaring car accident niya two weeks ago, where she also suffered hemorrhage and contusion. Ang contusion po ay pamamaga at ang hemorrhage naman po ay pagdurugo.”
Kahit na ipinaliliwanag naman ng doktor ang iba’t ibang medical terms na sinasabi niya ay hindi ko pa rin ‘yon lubusang maunawaan.