THE BILLIONAIRE'S REGRET: When His Wife Bloomed without Him
Sinulyapan nito si Criszah.
“Yung iba nga, napipilitang magpakasal dahil nabuntis. Pero hanggang ngayon, wala pa rin namang maipakitang apo.”
Pagkasabi noon, ngumiti ito kay Criszah.
“Naku, huwag kang magtampo, hija. Alam naman naming mabait ka.” Sarkastikang sabi nito.
Hindi naman siya sumabad. Kaarawan ngayon ng lola ni Jude.Ayaw ni Criszah na gumawa ng eksena.