Agam ng Kahapon
Ilang saglit pa ay nagsimula na siyang lumapit, habang hindi ako natitinag sa aking kinatatayuan, walang ekspresiyon, walang pakiramdam, wala nang kinikilala, papalapit na siya ng papalapit.
Ang mga sumunod na tagpo ay nakadungaw ako sa aming bintana, habang hawak ang mahabang patalim galing sa aming kusina, tahimik ang silid maliban sa mga mumunting hagok niya habang naliligo sa kanyang sariling dugo, bumubuka pa ng katipid ang kanyang bibig habang nababarhan ng dugo nito, tiningnan ko lamang siya sa kanyang mga mata, tiningnan ng tiningnan hanggang sa di na tuminag ang kanyang pagkakatitig sa akin at nanatili itong nakatingin sa direksiyon ko, pumikit ako't lumuha, natuklasan ko noong mga
Hot Chapters