The Fall of the Queen
Ito na ang dulo para sa akin.
Hindi ko nais na magpaalam, ngunit hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Hindi ko kayo gustong bitawan, ngunit pati ako ay hindi sigurado sa mga susunod na mangyayari. Alam kong mahirap, malabo, magulo, at walang kasiguraduhan, ngunit nais kong panghawakan mo ang pangako kong babalik ako. Kahit anong mangyari o kahit ano pa ang naghihintay sa akin, susubukan ko ang lahat upang makabalik sa inyo ng mga anak natin. Hindi ko hahayaan na ito ang dulo para sa atin. Hindi ko aalisin sa aking isip at puso ang mga wangis ninyo, ngunit kapag dumating ang oras na nakabalik ako at walang maalala sa nakaraan, nais kong hindi ka sumuko sa akin. Mahal na mahal kita,
Hot Chapters