Forbidden
Humarap ang propesor sa klase, ibinaba nang bahagya ang kaniyang reading glasses, at panaka-nakang napapangiti nang palihim habang nakatingin sa namumulang mukha ng kaniyang girlfriend.
Ang kaniyang mga mata ay kumislap sa halo-halong amusement at tagumpay, bago niya muling ibinalik ang kaniyang seryosong ekspresyon.
"Is there a problem at the back, Ms. Jade? If your notes are completed, maybe you can share your thoughts on our topic," pormal at malamig na saway ni Anne, bagaman ang kaniyang boses ay may nakatagong pamilyar na aliw at tensyon na taming si Lauren lamang ang nakakaintindi.