Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
PADRE TIAGO

PADRE TIAGO

Si Padre Santiago Baldemor o Tiago ang bagong talagang kura-paroko sa San Sebastian. Kinahuhumalingan siya ng mga tao at kabataan sa bayan dahil sa kanyang kabaitan at pagiging aktibo sa simbahan. Ngunit hindi ito ang kanyang mukha sa kanyang sampung sakristan sapagkat kinatatakutan siya ng mga ito, maliban lamang kay Angelo. Sa tuwing nag-iisa ang sakristan na si Angelo sa presensya ni Padre Tiago, ito naman ang panahon na lumuluhod siya hindi sa altar kundi sa harapan ng kura-paroko. Araw-araw sa ano mang oras, luluhod siya upang sambahin ang katawan ni Padre Tiago. Para kay Angelo, nagsisilbi itong bendisyon sa kanyang uhaw na pagkatao.
LGBTQ+
1027.9K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
Entrapped To Be His Wife

Entrapped To Be His Wife

Sabi nila mapagbiro raw ang tadhana. At isa si Cassie sa magpapatunay niyon. Nakatakda na siyang ikasal sa long-time boyfriend niya ngunit sa kasawiang-palad bago siya makauwi ng Pilipinas ay nabalitaan niyang nakabuntis ito at nakatakda ng ikasal sa iba. Sa mismong araw ng kasal ng kaniyang nobyo, nagpakalasing siya upang makalimutan ang kabiguan kahit panandalian lamang. Ngunit ang paglalasing na iyon ang tila naglagay sa kaniya sa mas malaking problema. Nagising siyang may katabing lalaki sa kama, marahil dahil sa kalasingan at magulong utak. Nilisan niya ang kuwartong iyon nang walang paalam. Handa na siyang kalimutan ang lahat ng mga nangyari nang biglang sumulpot sa harapan niya ang lalaking nakasama niya ng gabing iyon. Sinabi nitong gusto at handa itong panagutan siya sa ayaw at sa gusto niya. Walang nagawa si Cassie nang sapilitan siya nitong isama sa lugar kung saan ito nakatira. Lalo na't hindi pumayag ang kaniyang mga magulang na madehado siya. Tumira siya sa bahay nito, ang akala ni Cassie ay magiging mahirap para sa kaniya na pakisamahan ito ngunit hindi pala. Mabuting tao si Tristan at naging maalaga sa kaniya dahilan para unti-unting mahulog ang loob niya rito. Magkakaroon nga ba ng happy ending ang namumuong pagmamahalan nila o tuluyang matutuldukan kapag nalaman ni Cassie na ang lalaking natutunan niyang mahalin ay Tiyuhin ng babaeng umagaw sa ex-boyfriend niya. Paano matatanggap ni Cassie na ang pagkakakilala nila ay planado ni Tristan upang protektahan ang pamangkin nito?
Romance
1028.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
His Covetous Wife

His Covetous Wife

Lumaki sa napakayaman na pamilya si Krissy Parker. Siya ang nag-iisang anak na tagapagmana ng isa sa pinakamayaman at kilalang negosyante sa buong Pilipinas. Kaya naman kilala siyang maldita at spoiled brat, sanay na laging nasusunod at nakukuha ang anumang naisin niya. At nang umibig sa ibang babae ang lalaking kanyang minamahal ay ginawa niya lahat ng paraan para muling makuha ang puso at atensyon nito, kasama na ang paggamit niya sa half-brother nitong si Calex. Ngunit dahil sa pagiging desperada niya ay nagbunga ang isang gabi ng pagkakamali. Dahilan para mapilitan si Calex na pakasalan siya At sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib ay isinumpa ng lalaki sa kanyang harapan na kailanman ay hindi siya nito magagawang mahalin. Na gagawin nitong masalimoot ang mala-prinsesang buhay na nakasanayan niya. Paano siya mamumuhay kapiling ang asawang araw-araw na nasusuklam at namumuhi sa kanyang pagkatao?
Romance
1023.8K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "Battle between wife and Debt"

Demon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lumuhod sa kanyang harapan makuha lamang ang kanyang atensyon at pagmamahal. Subalit lahat sila ay nabigo sapagkat hindi pa ipinanganak ang babaeng kayang tunawin ang nagyeyelong puso ni Allaric Dela Vega, ang pinakatanyag, mayaman at maimpluwensyang tao sa buong mundo. Ngunit nagbago ang lahat ng ibinenta sa kanya ni Mayor Enrique ang bunsong anak nito na babae, bilang kabayaran sa sampung milyong dolyar na halaga ng pagkakautang nito sa kanya. Walang balak si Allaric na bilhin ang anak ng alkalde, ngunit ginawa niya pa rin dahil hinamon siya ng kalupitan ng ugali ng dalaga. Siya lang ang tanging babae na hindi natatakot mamatay sa harapan niya; kahit pa tinagurian siyang, Adonis the greek god, sa kagwapuhan, wala pa ring epekto ito sa dalaga. "Kahit pilitin mo man akong magpakasal sayo, katawan ko lang ang makukuha mo, ngunit hindi ang puso ko." - Jayna "Hindi mo makuha ang kalayaan na gusto mo, dahil mamamatay akong nakakukong ka parin dito sa puso ko."- Allaric May mabubuo pa kayang pagmamahal sa kanilang dalawa gayung wala silang ibang ginawa kundi ang saktan ang isa't-isa? Magagawa kayang palayain ni Allaric si Jayna, kung ang gusto lang nito ay makalaya sa kanya at bumalik sa lalaking nagmamay-ari ng puso niya? What fate awaits the mafia king in his battle for love?
Romance
1017.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
GENUINE LOVE IN DECIET

GENUINE LOVE IN DECIET

Ang buong akala ni Clary ay nangyayari na sa buhay niya ang tunay na pagmamahal, ngunit biglang bumaliktad ang sitwasyon ng siya ay dinukot ng mga taong minahal na niya bilang pamilya kahit hindi naman niya mga kadugo. Natuklasan niya na interesado lang pala ang mga ito sa yaman niya. Ginamit ng mga ito ang boyfriend niyang si Tristan para makuha ang mga pag-aari niya. Dahil mahal niya ang lalaki at takot siyang mawala ito sa kaniya, pumayag siya. Ngunit kung kailan naibigay na niya ang lahat saka naman nagtanggal ng maskara ang boyfriend niya. Lumantad sa harapan niya ang buong katotohanan. Kasabwat pala ng mga ito ang lalaking minahal niya at ang masaklap pa dahil ang kinikilala niyang kapatid na babae ay mas matagal pa pala nitong kasintahan kaysa sa kaniya. Bukod sa panlolokong iyon pinagtangkaan pa ang buhay niya. Tinapon siya pinakamalalim na parte ng dagat. Sa kabutihang palad nakaligtas siya, ngunit napadpad naman siya sa pinaka-delikadong lugar. Ito ay ang teritoryo ni Knox Wolthorn ang leader ng Dreadblood Consortium the most bloodthirsty organization. Ang lalaking pumapatay na walang pag-aalinlangan lalo na kung wala kang pakinabang. Naka-survive siya sa unang kapahamakan sa kamay ng mga akala niya pamilya, ngunit dito kaya sa teritoryo ni Knox Wolthorn makakalusot kaya siya? Bibigyan kaya siya ng tsansa ng lalaking magpatuloy sa buhay? What if sa lalaking ito pala niya matatagpuan ang tunay na pagmamahal? Magtitiwala kaya siya ulit?
Romance
1013.5K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Isang kwento ng limang magkakabata, magkakaklase at matalik na magkakaibigan na mga probinsyana na ang tanging pangarap ay magkapagtapos ng pagaaral upang maihaon ang pamilya sa kahirapan ngunit isang araw umuwi ang isa pa sa mga kababata nila mula Amerika at may dalang asawang Amerikano. Nakita nila ang malaking pagbabago ng buhay nito. Nakapagpatayo ng sariling bahay at nabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Hindi nila napagilan ang sarilung mainggit rito ngunit ang mas lalong kinaiingitan nila ay ang gwapong mukha ng napangasawa nitong Afam na may malaking umbok sa harapan na noong nakita nila'y nahirapan silang lumunok. Simula noon bigla na lamang nagbago ang pangarap nilang lima, bukod sa pagtatapos ng pag-aaral ay dinagdag nila sa kanilang bucket list ang makapag-asawa ng Afam na mayaman, gwapo, yummy at higit sa lahat ay daks. Tunghayan kung saan dadalhin ang lima magkakaibigan na ito na sina SIting, Doring, Meling, Ajing at Aning sa kanilang mga pangarap sa buhay at samahan rin natin sila sa kanilang Operationg: Finding Bilyonaryong Afam na Daks.
Romance
9.911.2K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
WILD NIGHT WITH HER BOSS

WILD NIGHT WITH HER BOSS

‎⚠️ WARNING ⚠️ ‎🔞 ||R-18, SPG|| 🔞 ‎‎Dahil sa kataksilan ng boyfriend ni Canna Villegaz. Mag-isang nagtungo sa bar ang dalaga. She drinks a couple of drinks which led to her being tipsy. Ang kanyang papunta sa bar ay nauwi sa mainit na kagabi kasama ang lalaking hindi niya makilala dahil sa kanyang kalasingan. ‎ ‎Kinaumagahan, nagising na lamang siyang katabi ang Boss, si Azrael Cervantes. Tinakbuhan niya ito bago pa man magising at makita siya. Ngunit kaagad din itong agad nakagawa ng paraan para hindi siya tuluyang makatakas. Pinipilit ng kanyang Boss na panindigan ang nangyari sa kanila. ‎ ‎Nagtagumpay naman si Azrael sa kanyang plano. Ngunit nang mangyari ang hindi inaasahang trahedya, lahat ay biglang nagbago. ‎Kinasusuklaman na siya ni Azrael at pinagbibintangan sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa. Pinili niyang layuan ang lalaking natutunan niyang mahalin sa maikling panahon upang hindi madamay ang bata sa kanyang sinapupunan. But fate is cruel and stubborn. When their paths cross again, Azrael meets the son he never knew existed. Secrets unfold. Old wounds reopen. ‎Makayanan niya kayang harapan ang galit ni Azrael? Paano kung ang tingin ni Azrael sa kanya ay isa na lamang babaeng nagpapainit ng gabi nito? Hanggang saan niya kayang magsakripisyo? ‎
Romance
109.7K viewsOngoing
Ipakita ang mga Review (4)
Read
Idagdag sa library
FrezscheuzstStrre_18
‎ ... AUTHOR'S NOTE ‎ ‎ Hi, Starries! ‎ ‎We’re now on Chapter 17, and I just want to say thank you sa mga patuloy na sumusuporta kay Canna at Azrael. The tension is building... pero hindi pa ito ang dulo. ‎ ‎ ...️ Leave a short comment. ‎ ‎ ...️ Follow the story para ma-notify kayo.
Analyn Bermudez
thank you ms A sa update..pero ms A napaisip ako ,ano ba tlga ang totoong nangyayari sa nanay ni Azrael? akala ko pa NMN tapos na ung problema ,, akala ko pa NMN ending na yun PLA meron pa natitira twist May kalaban pa pala sila ..sino kaya ????.....
Basahin ang Lahat ng Review
His Substitute Bride

His Substitute Bride

"I can't wait. Naiinip na ako." Bulong sa'kin ni Ericjan habang pareho na kaming nakatayo sa harap ng altar. Napabungisngis na lamang ako dahil sa itinuran nito sa'kin. "Hindi pa nga nag sisimula si Father, pero naiinip ka na dyan." Sagot ko dito. "Of course.." Aniya at kumindat pa ito sa'kin, pag kuwa'y ginagap ng marahan ang palad ko na hawak hawak nito kanina pa. Pakiramdam ko nga din ay tumatagaktak na ang pawis ko roon dahil sa tensyong nararamdaman ko mula pa kanina. Agad naman kaming umayos sa pag kakatayo ng tumayo na si Father sa harapan namin upang simulan na ang kasal. Kagaya kanina, ganon parin ang bilis at pag tibok ng puso ko. Pakiwari ko nga'y unti na lang ay lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. Mayamaya ay muli kong naramdaman ang masuyong pag pisil nito sa palad ko. Naramdaman nya siguro ang sunod sunod na pag papakawala ko ng malalim na buntong hininga. "Bago ko simulan ang seremonyas na ito.. Nais ko lang malaman kung may tumututol ba sa pag mamahalan at pag iisang dibdib nina Devee Oliveros at Ericjan Esparagoza? Kung meron man, mag salita na." Anang Father. Awtamatikong mas bumilis ang pag tibok ng puso ko dahil sa naging tanong ni Father.. Meron pa palang ganito pag ikinakasal? Katahimikan naman ang bumalot sa loob ng malaking simbahan kung saan dinadaos ang kasal namin. Mayamaya lamang ay biglang nag tayuan ang mga balahibo ko sa katawan, pakiramdam ko ay bigla akong binuhusan ng malamig na tubig at biglang nagising sa katotohanan, ng may biglang sumigaw. "Itigil ang kasal..." Tinig ng babae.
Romance
8.5K viewsOngoing
Read
Idagdag sa library
The President's Wife

The President's Wife

BREAKING NEWS PHILIPPINES. "Maagang nagkatraffic sa kahabaan ng EDSA at sa ibang bahagi ng Metro Manila. Dahil ito sa pagrarally ng maraming mga Filipino. Isinisigaw nila na bumaba raw si pangulong Chavez sa kaniyang position sa palasyo ng Malacanang. Nang daraya raw kasi ito sa election kaya nanalo sa pagkapangulo. Sa ngayon ay hindi maawat ng mga awtoridad ang napakaraming mga Filipino na nagrarally sa harapan ng palasyo. Paulit-ulit na isinisigaw nila na bumabana raw si pangulong Chavez sa kaniyang pagkapresidente. Nakakamanghang isipin na nagkakaisa ngayon ang mga Filipino para pabagsakin ang administration Chavez. Maging ang mga OFW sa ibang bansa ay nauna nang nagrally ang mga ito kahapon. Isinisigaw rin nila na bumabana si pangulong Chavez sa kaniyang position. Ganoon na lamang ang pagkamuhi ng mga Filipino sa pandarayang ginawa ni President Chavez sa election. Sa ngayon patuloy ang pagprotesta ng mga Filipino laban sa administration Chavez. Ikinagulat ng lahat ang nangyayari sa kasalukuyan. Tinawag na rin ito na People Power Number three of the Philippines. Sigaw naman ng iba ay itigil na raw ang pagpuprotesta dahil marami nang nasasaktan. Pero sabi ng mga nagrarally. Hindi raw sila titigil hangga't hindi raw si President Chavez bumababa sa kaniyang position sa palasyo ng Malacanang." END OF BREAKING NEWS PHILIPPINES "A poor creature begging on her death. But sorry! Welcome to the hell!" Chavez really want to kill me merciless. Nakatutok lamang ang hawak niyang baril sa noo ko. Nag-uumigting ang panga niya sa galit. Patuloy ang pag-iyak ni Dave habang tinatawag niya ako. Wala akong magawa dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Chavez sa buhok ko. Nasasaktan ako ng sobra. I know this is my death. "Patayin niyo na ako! Handa akong gawin ang lahat kapalit ng buhay ng anak ko! Pakawalan niyo lang siya! Nagmamakaawa ako!"
Romance
106.4K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

Soldier's Billionaire: A Wife's Sacrifice

"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
Romance
105.7K viewsCompleted
Read
Idagdag sa library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status