Picture Perfect
Tipid akong napangiti, para sa mga taong wala ang karangyaan ng pamilya ko, sasabihin napakaswerte ko.
Siguro, oo, sa larangan ng karangyaan, hindi maitulak kabig ang ginhawang mayroon kami. Ngunit kong tatanggaling lahat ng karangyaan na ito at mga nagmamahalan palamuti at napakataas na estado sa lipunan, anong uri ng buhay ba mayroon kami? Hindi ko maiwasang umismid. Totoo ang kasabihan na hindi lahat ng bahay ay masasabi mong tahanan. Isa na ang Haciendang ito, simula ng mawala si Lolo, Lola, Tita Nathalia, at Ate Letty, tanging anino na lang ng pagmamahal ng nakaraan ang naaaninag ko.
ตอนยอดนิยม