YAYA MOMMY (TAGALOG)
"Opo, Yaya, kaya po lagi niya akong inaasar. Sinabi ko nga sa kaniya na wala akong kasalanan kasi hindi ko naman crinush back si Carlo kasi may iba akong gusto."
Crinush back? Ano 'yon?
"Anong crinush back?"
"Yaya naman, e!" Aniya. "Pati po iyon ay hindi mo alam?"
Umiling ako.
"Ano ba iyon?"
"Crinush back po ay parang, uhm,'di ba po kunwari si Hanna, crush niya si Carlo 'diba? Kapag nagustuhan din siya ni Carlo ibig sabihin no'n crinush back siya ni Carlo. Gano'n po!"