The Ruthless Billionaire's Runaway Maid
Sabi nila, kapag billionaire ka, lahat kaya mong bilhin.
Funny.
Kasi kahit kaya kong bumili ng private island, hindi ko mabili ang isang text na "Mahal kita."
Ako si Franco Voltaire.
The ruthless billionaire.
CEO by day.
Emotionally constipated idiot by choice.
At apparently... professional sa pagsira ng sarili kong love story.
Imagine this.
I survived hostile takeovers.
Greedy investors.
Corporate sharks.
Pero ang pinakamalaking kalaban ko pala?
Si Tanya Rivera ang literal na walking disaster ng buhay ko.
Maingay.
Makulit.
Walang preno ang bibig.
At walang takot sabihing mukha akong kontrabida sa teleserye.
Dapat inis na inis ako sa kanya.
Instead...
Siya ang naging paborito kong dahilan para umuwi.
Pero dahil bobo ako pagdating sa feelings, pinili kong manahimik.
Akala ko may oras pa.
Wala pala.
One hug.
Tatlong salitang...
"I missed you."
At isang maling akala.
'Yun lang ang kailangan para mawala siya.
Hindi niya alam na ang niyakap ko ay ate ko.
Hindi ko alam na buntis na pala siya.
For one year, hinanap ko siya na parang baliw.
Then I found her...
sa isang maliit na café sa La Union.
Masaya na siya.
May bagong mundo na siya.
At may kargang baby boy na eksaktong kamukha ko.
Congratulations, Franco.
Habang busy kang magpalaki ng kumpanya...
may anak ka palang lumaking wala ang tatay niya.
Ngayon, tuwing tatawagin niya akong "Mister," parang may kutsilyong umiikot sa dibdib ko.
At ang masaklap?
Mas gusto pa ng anak kong tawaging "Daddy" ang delivery rider kaysa sa'kin.
Deserve ko.
Pero hindi ibig sabihin susuko ako.
Kahit pagtawanan nila ako.
Kahit araw-araw akong i-reject ng babaeng mahal ko.
Kahit sarili kong anak ang pinakamalakas mang-asar sa'kin.
I'll keep choosing them.
Because losing Tanya once...
was already the biggest mistake of my life.
I refuse to lose my family twice.