Eternally
Pinagmasdan ni Jia ang tila mga haring pagsigaw ng mga ito sa kaniyang mga kababayan.
"Indio!" Nakaramdam ng galit si Jia para sa mga dayuhan, alam niya ang kahulugan niyon. Napakaliit ng tingin sa mga Pilipino. Mababang uri, walang dignidad, mangmang, alipin. Nakaramdam siya ng paghihimagsik at simpatiya para sa mga bayani ng bansa. Kung makakabalik nga lang siya sa hinaharap ay baka magsulat pa siya ng mas malala pa sa "El Filibusterismo". Paulit-ulit niyang mumurahin ang mga ito, kahit pa sisantehin ang lisensya niya bilang rehistradong manunulat.
Bab Populer