Spell And Kill (Taglish)
Hangga't nakatapak kami sa lupa, hangga't mayroon kaming nakikitang liwanag sa itaas, ang araw, ang ulap, ang langit, hangga't mayroong hangin na sumasayaw, at hangga't sama-sama kami ay aangat pa rin kahit may sasalungat.
Sabay naming hinila ang pisi at agad itong itinali sa tubo na may halong pagpapakatotoo sa puso't isipan.
"Let's get aw...aw, aray ang sakit. Oh no, my fingers!" Napasayaw sana si Ulap na may bahid ng saya, napagiling siya, sabay wagayway sa buhok, iniikot-ikot, kaso naipit ang kamay niya sa tali. Buti na lang natulungan ng mga lalaking kasama ko. Ayan kasi. I chuckled kasi namula siya pero yinakap ko naman si Ulap pagkatapos, at sumabay na din sa moment namin ang mga lala