That One Mischievous Night
Mukhang masarap yung dala niya, pero siyempre, gusto ko munang malaman kung ano ba 'yan.
"Ahm, nilagang itlog 'yung nasa loob niya, tapos 'yang orange naman ay batter. Prinito lang sila tapos ayan 'yung sauce i-pares mo at masarap, tokneneng pala ang tawag diyan. T-Try mo lang, m-masarap, promise." Aniya. Tumango tango naman ako. Gamit ang kutsara ko sa lugaw ay hinati ko ito sa gitna, may itlog nga.
Kinuha ko ang kalahati at nilagay ito sa lugaw ko, bigla kasi akong nagcrave sa isiping i-combine ito at parang ang sarap nga.
ตอนยอดนิยม