Arranged Marriage with the Ruthless CEO
“Sige, tama ka. Ikaw na bahala sa kanya.”
Halos malaglag ang panga ni Nilly sa sahig. Hindi niya inaasahan ‘to—Ang makapangyarihang, Mateo Garcia, CEO ng Garcia Group of Companies ay wala man lang kalaban-laban sa asawa niya.
Pero alam nilang lahat na hindi ito dahil sa takot—kundi dahil nagmamalasakit si Natalie. Ilang buwan na lang, aalis na si Justin upang mag-aral sa ibang bansa. Kahit na may kasama siyang private nanny, hindi naman siya bantay-sarado ng 24/7. Ang gusto lang ni Natalie ay kung hindi man kayang alagaan ni Justin ang sarili niya ng buo, ang mahalaga, alam niya kung paano protektahan ang sarili niya at alam niya ang tama at mali.