A Night With You
"Ipanatag mo ang loob mo, dahil hinding-hindi ko iyon gagawin, I'd rather kill myself first than hurt her."
Tumango-tango si Alex. "Aasahan ko iyan!"
Tiim pa rin ang titig nito ng ilayo ang katawan. Bumaling ang tingin nito sa kanya, sa pagkakataong iyon, nakarehistro na muli ang ngiti sa mga labi nito.
"Congratulations Adrian, Jade.."
Sabay din silang napabaling sa nagsalita. Nasa kanilang likod ang judge na nagkasal sa kanila. Kasunod nito si Jervis.