Spell And Kill (Taglish)
Mabilog ang mukha, nakatali ang buhok sa taas na bahagi ng ulo, pinkish ang skin, medyo payat pero may kurba, may nunal malapit sa bibig at kulay blue ang mata.
Maganda at maayos ang posing, malayo ang tingin at kinumpara ko siya sa ibang mga mannequins.
Hindi siya mukhang plastic.
Kinatok ko nang tatlong beses ang glass pero walang nangyari. Hanggang sa tinitigan ko lang siya ng matagal.
Nagulat at napasigaw ako dahil ang kaniyang mga mata kumisap ng isang beses.