Lahid
Nakatirik naman sa tabi ng simbahan ang isang mataas na tore, ang kampanaryo, at makikita sa itaas nito ang isang malaking batingaw na sumisilaw dahil yari ito sa purong tanso.
Pumasok sa loob ng simbahan si Graciela, at sa pagpasok ay nakita niya kaagad sa harapan ang malaki at magarbong dambana na yari sa inukitang kamagong. Sa itaas nito, nakasabit ang isang napalaking krus na yari sa maganda at di malamang uri ng kahoy na nilinyahan ng makintab na uri ng bakal, malamang ay ginto. Maliwanag ang buong looban ng simbahan dahil sa nakakasilaw na dambana, at sa bawat sulok naman nito ay may makikitang liwanag dahil naman sa napakaraming bintana na inilagay sa loob, sa itaas at sa mga iba pan
Hot Chapters