YAKAP SA DILIM
Wala si Master ngayon dahil may pasok ito sa gabi, mayamaya pa ito uuwe pag sumikat na ang liwanag.
Matalim niyang tinignan ang pang-kontrol ng telebisyon.
"A-Ang sabi ni M-Master bu-bukas ang TV pag pinindot ito," pabulong na sabi niya sa sarili.
Nung isang araw kasi bumili si Master Ash ng isang parihabang aparato, kulay itim iyon. Para sa kanya raw ang aparato na ito upang may paglibangan siya. Nagsasawa na kasi siya sa paglalaro ng mga chess, jigsaw puzzle, doodle board at rotatable kaleidoscope. Marami pa siyang mga laruan na binili ni Master Ash, pero ayaw na niya ang lahat ng iyon.
Bab Populer