THE SEX CONTRACT 2: ANNA AND JARED
Hindi ako babaing nakukuha lang sa sweet nothings at ilang pirasong text na nagsasabing mahal kita, hindi ako mabubuhay ng wala ka.
Katangahan.
“Hindi rin ako nakikinig sa paliwanag ng iba pero may isang bagay ka na wala sila,” seryoso ako na gusto ko siyang tapusin agad kaya ngumisi ako sa kanya.
Inunahan niya ang iniisip ko. “Isa lang daw ang kahinaan mo, sabi ni Cat. Pamilya. Kung ganon,” itinulak niya palayo ang kutsilyo gamit ang loob ng palad at nilampasan ako, sumandal sa balustrahe nakatitig sa akin, “...itinuturing mo pala akong kapamilya dahil lang sa dalawang beses nating pagkikita.” May dinudukot siya sa tagiliran niya kaya alerto ako kung sisibatin ko siya ng kutsilyo sa tapat n