Becoming my Ex's Stepmother
“Office assistant lang ako, and I’m only here dahil inutusan ako ni Sir Joseph.”
Sandaling natahimik.
Tapos bigla niyang binuka ang bibig — malamig, diretso, walang emosyon.
“If you can’t do a simple job,” aniya, “then better quit.”
Walang pag-aalinlangan. Walang kahit katiting na awa. Parang sanay na siyang magpasya ng kapalaran ng iba at ako ‘yung latest casualty.
Napasinghap ako, pero agad kong kinagat ang dila ko. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Hindi ngayon. Hindi sa panahon na halos masaid na ang savings ko.
인기 회차