Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO
“Hindi mo alam kung ano’ng pakiramdam na unti-unting mawalan ng pwesto sa buhay ng sarili mong ama. Wala kang alam, Cassandra.”
Bahagya nitong ibinaba ang tingin.
Pagkatapos ay dahan-dahang huminga.
“Forgive and forget para sumaya ka at makalaya,” mahina nitong sabi.
Napatigil si Candice.
“Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang ideya na ‘yan,” dagdag nito. “Pero isang bagay ang alam ko, hindi ka ampon. Kapatid kita. At kahit nakakairita ka, alam ko ’yon,” anitong tumalikod na.