Breaking Rules: The Sweetest Risk
“Hindi mo lang makita. If you weren’t rich, I wouldn’t even look at you.”
Iyon ang hudyat.
Tinulak ko ang pinto.
Kasunod ang mga pulis na pinatawag ko.
“Police. Nobody move.”
Nagkagulo ang loob. May mga nagtangkang tumakbo, pero agad silang pinusasan. Ang ibang pulis alertong nakatutok ang baril sa mga hinuhuli.
Ipinakita ng isang pulis ang warrant.
“Dinadakip kayo sa salang extortion, illegal detention, physical coercion, and fraud,” malamig niyang basa.