Diary Ng XXX Celebrity
Anong ibig niyang sabihin?
“Ako naman, bilang lalaki, ayos lang kahit simpleng pamumuhay. Basta, masaya, walang mga sakit, okay lang. Pero nung makita ko kung gaano kasarap ang buhay ng mga Lopez, ah, gusto ko na rin palang maging mayaman. Naranasan ko ang masarap na buhay kapag kasama kami ng pamilya ko sa pa-event at out of town nila Kuya Ravi at Ate irina. Grabe, Azia, ang sarap nung aandutan ka na lang palagi ng pagkaing masasarap. Ang sarap matulog sa malaki at malambot na kama at sa sosyal na kuwarto. Basta, na-inspired ako sa ganoong pamumuhay nila, kaya gusto ko na ring maging mayaman.”