Serving the Billionaire
Paglabas niya sa kusina, sinalubong agad siya ng mga kahon ng bagong dating na mga sangkap at ang seryosong mukha ng mayordoma na maagang nag-aabang.
"Mabuti naman at maaga ka ngayon, Chrisha," saad ni Aling Martha habang sinusuri ang listahan sa kaniyang hawak. "Ihanda mo na ang mga gagamitin para sa almusal ni Mr. Mendez. Ang sabi niya, gusto niya ng isang simpleng pagkaing mayaman sa protina ngayong umaga. Isang klasikong egg white omelet na may kasamang organic spinach at kaunting feta cheese."
"Sige po, Aling Martha. Magsisimula na po ako," sagot ni Chrisha, pilit na pinatitigas ang kaniyang boses upang hindi mahalata ang puyat at pagod mula sa nagdaang gabi.
Hot Chapters