My Only Love
Kumpleto ang hardin mapa rosas, orkidyas, sunflower, daisy at marami pang iba, ngunit ang pangunahing pakay ng dalaga roon ay ang iba't-ibang uri ng hibiscus o mas kilala sa tawag na gumamela.
Ayon sa kaibigang si Kate ay personal na minamantina ng ina nito na si Donya Isabel ang mga halaman nito. Mahilig raw mangolekta ng mga gumamela ang ginang at ang iba pa raw sa mga ito ay inangkat pa mula sa ibang bansa. Kaya naman primera klase ang lahat.